Marital rape is rape!
Malinaw na ‘yang sinabi ng Supreme Court.
Sa isang kaso, (flash only: People v. Jumawan), pwinersa ng lalake na makipagtalik sa asawa kahit ayaw nito, at ang desisyon ng korte, guilty ang asawa sa rape ‘yan kahit kasal pa!
Sabi ng Korte —
“Husbands do not have property rights over their wives’ bodies. Sexual intercourse, albeit within the realm of marriage, if not consensual, is rape.”
Kung sinamantala ang babae gamit ang pwersa o pananakot, o kung kailan wala siyang kapasidad na umoo- krimen ‘yan na dapat parusahan.
Ayon rin sa korte –
“By marrying, [a woman] does not divest herself of the human right to an exclusive autonomy over her own body.”
Hindi isinusuko ng kababaihan ang kanilang dignidad dahil lang nagpakasal, at ang pag-respeto sa desisyon ng asawa ay simpleng pagkilala na tao rin siya gaya mo.
Nakakalungkot na kailangan pa natin itong sabihin at ipaalala.
Walang lugar sa lipunan ang ganyang mga paniniwala- at dapat nang ibasura ang mga ‘yan.