Hindi porket kamote sa daan ay pwede nang gamitan ng karahasan. ‘Di ba basic naman ‘yan?
Kahit pa may mangyaring bangayan, ay hindi ibig sabihin na pwede nang bumunot at manutok ng baril. Pwede ‘yang ituring na krimen ng Grave Threats sa ilalim ng Revised Penal Code.
At kung magpaputok pa, pwede ‘yang pumasok sa mga krimen ng Alarms and Scandals o Discharge of Firearm, at kung may natamaan at depende sa kaganapan ay pwede pang umabot sa kaso ng Homicide o Murder.
Hindi sapat na katwiran galit sa road rage para i-claim ang self-defense. Dapat meron ang tatlong elementong ito-
- Unlawful aggression — inatake ka nang walang dahilan,
- Reasonable force — depensang ginamit mo ay tama lang sa banta at
- No provocation — hindi ikaw ang nanguna.
Kung ‘di armado ang kaaway o walang physical threat sa’yo, walang depensa sa paggamit ng karahasan.
Kaya sa paggamit ng daan, Chel ka lang. Baka sa prisinto ka dalhin ng emosyon at gawain mo.