Mismong 1987 Constitution ang nagsasabing hindi pwedeng magmay-ari ng lupain sa Pilipinas ang individuals na foreigner.
Ang layunin ng prohibisyong ito ay para- panatiliin sa kamay ng mga Pipilipino ang mga lupain natin; dahil. kung Kung papayagan ang foreigners na magmay-ari ng lupa sa Pilipinas,- maaaring maabuso ito at kayanin nilang bumili ng mga buong subdivision o syudad sa bansa natin! At hindi naman patas ito!
Ang tanging exception kung saan pinapayagan ang foreigner sa pagmamay-ari mag may-ari ng lupa ay – kung nakuha ito as ito mula sa pagmamana o hereditary succession o dahil ipinamana ito sa kanila.
Kaya kung bibili man ng lupa, sa mata ng batas ay ikaw lang ang magiging may-ari nito.
Sa maraming kasong dinesisyunan ng Supreme Court kung san naghiwalay ang mag-asawang Pilipino at foreigner, at sinubukang i-claim ng foreigner ang share nito sa lupa-
Sinabi ng Supreme Court na imposible ito, dahil hindi kailanman maituturing na owner ang foreigner pagdating sa bilihan ng lupa.
Iba naman kung condominium unit ang pinag-uusapan. Ayon sa Condominium Act o R.A. 4726, pwedeng bumili ng condo unit ang foreigner.
Ang limitasyon lang- sa buong condominium project, dapat 60% nito ay reserbado para sa mga Pilipino.