Atty. Chel, paano ba magpasara ng maliit kong negosyo? Natatakot kasi akong i-audit ng BIR, baka lalo lang akong mabaon sa utang.
This is a common issue. Katunayan, marami ang hindi nagpa-file ng closure at hinahayaang “matulog” ang business dahil takot ma-audit ng BIR
.
Ang problema? Maaaring lalaki ang penalties mo habang tumatakbo ang panahon.
Pero may good news. Sa bagong patakaran ng BIR, maaaring wala nang mandatory tax audit pag nag-file for closure ang maliliit na negosyo, batay sa Revenue Memorandum Circular No. 47-2026
Sino ang covered nito?
Kung ang gross sales mo kada taon ay hindi hihigit sa 3 million pesos, o ang gross assets mo ay hindi hihigit sa 8 million pesos, hindi ka na isasailalim sa madugong tax audit.
At hindi lang yan. Ang Tax Clearance? Tatlong working days na lang ang processing, ayon sa BIR
Basta kumpleto ang requirements, at malinis ang records mo o kaya ay nabayaran mo agad ang mga naiwang obligasyon at penalties kasabay ng pag-file.
Ano naman ang mga requirements?
Ihanda lang ang application form, unused invoices, ending inventory list kung may VAT, at i-surrender ang original permits niyo.
Kaya huwag mo nang patulugin ang negosyo mo—ayusin mo na nang tama.
At siyempre, responsibilidad naman ng gobyerno na gamitin sa tama ang pinaghirapan ng mga taxpapers.