May paraan para makuha ang pera kapag nagkamali ng pinadalhang GCash number.
Alam niyo ba? Kapag may natanggap na pera dahil sa pagkakamali, obligasyon nilang ibalik ito.
Ang tawag diyan sa batas? “Solutio indebiti” na nakasaad sa Article 2154 ng Civil Code.
Kaya kapag ayaw nilang ibalik? Pwede silang makasuhan ng Unjust Enrichment—nakinabang siya sa hindi kanya.
At kung mapatunayan na may panloloko, maaaring pumasok yan sa Estafa (flash: Article 315, Revised Penal Code) na may parusang kulong.
Paano kung nangyari ito sa inyo? Heto ang dapat gawin:
Step 1: I-contact ang recipient at makiusap na ibalik ang pera. Kung di nag reply, tumanggi o binlock kayo, proceed sa—
Step 2: I-report agad sa e-wallet o bangko.
Ibigay ang:
Reference number
Transaction details
Wag tanggapin kung sinabing wala silang magagawa. Bakit? Dahil ang mga e-wallet at bangko ay under ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). May obligasyon silang aksyunan ang ganitong reklamo.
Step 3: I-elevate ang reklamo.
Payo ng Gcash, pumunta sa PNP Anti-Cybercrime Group at sa Cybercrime Investigation and Coordination Center at pormal na mag-file ng reklamo.
Eto ang contact details ng PNP:
PNP Anti-Cybercrime Group
(02) 8414-1560 / 0998-598-8116
messagecenter.acg@pnp.gov.ph
PNP Cybercrime Investigation and Coordination Center
Hotline at 1326 / 0991-481-4225
report@cicc.gov.ph
Ayon naman sa isang social media post, kung hindi gumagalaw ang e-wallet provider, maaaring dumiretso sa BSP. Sa karanasan nila, mabilis naibabalik ang pera.
Eto ang contact details ng BSP:
BSP Consumer Affairs
(632) 5306-2584 / (632) 8708-7087
consumeraffairs@bsp.gov.ph
FB Messenger: BSP Online Buddy (BOB)
Maging maingat sa pagpapadala ng pera. Pero kung magkamali man, tandaan: Kakampi niyo ang batas.