Kapag nakatanggap ka ng gift certificate, may dapat kang malaman!
Alam niyo ba na bawal nang mag-expire ang GC niyo? At nasa batas yan!
Ayon sa Gift Check Act of 2017 o Republic Act 10962 bawal na ang expiration ng gift certificates.
Uulitin ko — hindi ’yan puwedeng mag-expire. Ever. Ang halaga ng GC, pwede mong gamitin kahit kailan.
Kung may nakalagay kang expiry date? Bawal yan!
Kung ayaw tanggapin sa store? Bawal rin!
Puwede itong i-reklamo sa DTI!
Department of Trade and Industry (DTI)
Consumer Care
consumercare.dti.gov.ph
consumercare@dti.gov.ph
1-DTI (1-384)
At eto ang penalties na maaaring ipataw sa kanila:
- 1st offense: ₱500,000 to ₱1M na multa
- 2nd offense: Multa + 3-month suspension sa pag-issue ng GCs
- 3rd offense: Multa + cancellation ng pag-issue ng GCs
Ibang usapan ang promos, rewards, o loyalty programs. Hindi sila sakop ng batas. Pero dapat, may ganitong tatak ang GC.