May batas tayo, ang Strengthened Anti-Hospital Deposit Law.
Ayon sa Republic Act No. 10932, kapag emergency o may panganib sa buhay —
Bawal humingi ng deposit o advance payment bago magbigay ng basic emergency care.
Obligasyon ng ospital at mga doktor na tumulong agad.
Ano ang mangyayari kung lumabag ang ospital?
Kung mapatunayang nag-demand sila ng deposit sa emergency:
Ang doktor o empleyado – pwedeng makulong ng 4–6 years
May multa pa na ₱500,000 hanggang ₱1,000,000.
At kung policy mismo ng ospital ang humingi ng deposit?
Pati mga director o management, may pananagutan.
Kulong: 4-6 years at multa: ₱500,000-₱1,000,000
Pwede pang bawiin ang lisensya ng ospital kung paulit-ulit nila ‘tong ginagawa.
Pwede kayong magsampa ng reklamo sa:
Health Facilities Oversight Board ng Department of Health
https://www.facebook.com/DOHdavao/posts/ready-na-ang-health-facilities-oversight-board-sumbungan-portal/664006149239295/
http://hfob.doh.gov.ph/
Wag kaliumitang isama sa complaint ang salaysay ng nangyari at ebidensya tulad ng resibo, screenshot, o recording.