Powerless ba tayo laban sa kurapsyon? Hindi! Ikaw mismo, may laban.
Kung may alam kang anomalya, pwede mo ‘yang i-report at simulan ang kaso—kahit anonymous!
Kung may alam kang anomalya. Kung may impormasyon sa graft and corruption, puwede kang magsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman. Pero ano nga ba ang karaniwang pasok sa ganyang kaso?
Eto — Panunuhol, Kickbacks, Palakasan, at iba ba!
Graft & Corrupt Practices (RA 3019):
- Panunuhol o “lagay”
- Kickbacks at komisyon sa kontrata
- Kontratang dehado ang gobyerno
- Palakasan o Transaksyon na personal na interes ang pinipili
pwede mo ‘yang i-report at simulan ang kaso—kahit anonymous!
Pwedeng anonymous ang reklamo, pero tandaan—kailangan kumpleto ang detalye para maaksyunan. Sino, Ano, Kailan, Saan, Paano… at kung may ebidensya, mas mabuti.
Diretso mong i-report dito, kay Ombudsman:
Office of the Ombudsman:
Hotline: (02) 89262-OMB (662)
Text: 0926 699 4703
Email: pab@ombudsman.gov.ph
Walk-in: Ombudsman Central at Regional Offices
(QC, Cebu, Davao, Iloilo, Tacloban, Pangasinan, CDO)
Lahat tayo, may papel sa laban kontra korapsyon.
Kami sa Kongreso, tuloy-tuloy ang imbestigasyon para ayusin ang sistema at mapanagot ang mga may sala.
Ipinakita rin namin sa Akbayan ang aming SALN—lahat ng ari-arian inilabas. At hinamon natin ang ibang opisyal na gawin din ‘yon.
Nag-file din tayo ng panukala para mas transparent ang budget process, at maiwasan na ang mga insertion.