Mga soon-to-be mommies and daddies — good news!
Alam niyo ba? Hindi na 65 days ang maternity leave. Ngayon — 105 days paid leave na!
Sa Expanded Maternity Leave Law (RA 11210) na isinulong ni Sen. Risa Hontiveros at Akbayan Partylist,
Covered ang lahat ng empleyadong babae sa public at private sector. Buo ang sahod habang naka-leave ka.
May option mag-extend ng 30 days (unpaid) kung kailangan mo.
Pwede rin ilipat ni Mommy hanggang 7 days leave sa tatay o alternate caregiver.
At para sa solo parents? May dagdag pang 15 days paid leave!
Napaka-importante ng panahon na ito para magpahinga at alagaan si baby.