Gustong nang ipa-rehistro ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat ng e-bike, at irequire ang mga rider na magpalisensya.
Sa ngayon kasi- ang karaniwang e-bikes na may maximum speed na 25 km/h ay hindi kailangan ng registration at license. Pero ang LTO- gustong isama lahat for public safety.
Paliwanag nila — considered na motor vehicle yan sa Land Transportation and Traffic Code o RA 4136, at responsibilidad nilang i-regulate yan para sa public safety.
Ang MMDA rin, ipinagbawal ang e-bikes sa national, circumferential, at radial roads sa Metro Manila. Common cause daw kasi ito ng aksidente.
Wag mag-panic dahil may konting palugit – inutos ng Presidente na wag munang tiketan at parusahan ang e-bike riders, dahil kailangan pang ipaalam sa publiko ang mga rules.
Pero mga e-bike riders, anong say niyo dito?
Para sa marami- solusyon ang ebike sa napaka-lalang problema ng traffic at kakulangan ng sapat na public transportation sa Pilipinas.
Sang-ayon ba kayo sa gobyerno, na parang puro pagbabawal at parusa ang sagot sa mga problemang ito?
Sa tingin ko, ang mga polisiya- dapat ay mulat sa pangangailangan ng riders, sabay ng paniniguro ng kaligtasan ng mga nasa daan.