Hindi pwedeng kunin ng security guard ang driver’s license niyo.
Ang Philippine National Police mismo ay nag-issue na ng Advisory sa Security Agencies na ‘wag itong gawin dahil wala silang awtoridad dito.
Pati ang Department of Human Settlements and Urban Development ay nagbawal din sa mga Homeowners Association na humingi ng drivers license.
Trabaho ng mga security guard na i-regulate ang pagpasok sa subdivision para sa safety ng mga residente. Pero kung kailangan ng identification- sapat na ang ibang government-issued ID.
Kaya kung hingin ang Driver’s License niyo- may karapatan kang tumanggi at magbigay ng ibang ID.