Sa Article II, Section 26 ng 1987 Constitution, malinaw ang mandato: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
Ibig sabihin- utos ng Saligang Batas sa kongreso na i-ban ang political dynasties.
Masama ito para sating bansa dahil nilalagay nito sa kamay ng iilang pamilya ang kapangyarihan ng gobyerno, at ang control sa pera ng taumbayan.
Ang ending- palakas nang palakas ang iilang pamilya- habang ang karaniwang Pilipino ay nalulugi sa serbisyong publiko.
Kahit inutos ito ng 1987 Constitution, patuloy ang political dynasties dahil pagkatapos ng halos 40 years- wala pa ring batas na ipinipasa ang kongreso para i-define ang political dynasty at pagbawalan na ito.
Kung napakikinabangan, bakit nga naman i-baban?
Sa Senado lang ngayon- may tatlong set ng magkakapatid at mag-ina. At mukhang may pang magdagdag ng buong pamilya.
Ang public official- interes ng karaniwang Pilipino ang dapat ipaglaban, hindi mga pamilya nila.
Pabor ako sa batas para ipagbawal na political dynasties.