Kung ikaw ay isang OFW o may mahal sa buhay na OFW na nais nang lumikas at bumalik sa Pilipinas—may tulong na pwedeng ibigay ang gobyerno.
Pero paano ba ito? At saan ka dapat magsimula?
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, ito ang proseso para makakuha ng Repatriation Assistance.
Step 1: Humingi ng tulong.
Ipaalam ang inyong sitwasyon sa OWWA o sa pinakamalapit na Philippine Embassy.
Mag-file ng Request for Assistance o RFA.
Pwede itong gawin:
Sa personal
Via Email — tulong@owwa.gov.ph
O sa pamamagitan ng tawag
OWWA Hotline
Metro Manila: 1348
Regional: (02) 1348
International: (+632) 1348
Viber
+63 915 079 5005
+63 969 169 7068
+63 966 473 9543
+63 956 319 7589
+63 968 694 0706
+63 956 319 7586
Step 2: Antayin ang sagot.
Ayon sa OWWA, agad nilang sisiguraduhin ang inyong kaligtasan at aalamin ang inyong mga pangangailangan
Halimbawa:
- evacuation
- shelter o matutuluyan
- pagkain
- at iba pang tulong
Kukumpirmahin ni OWWA kung kailan kayo makakauwi.
Pero paano naman ang mga papeles?
Step 3: Gobyerno na ang kikilos.
Sila ang mag-aasikaso ng:
- Travel documents
- Exit visa
Sila rin ang makikipag-coordinate para sa ligtas na daanan o border crossing, para makalabas kayo sa danger zone.
Pero kailan kayo talaga makakauwi?
Step 4: Isasagawa na ang repatriation.
Kapag handa na ang lahat ng dokumento at daan pauwi, makakabalik na kayo sa Pilipinas sa pamamagitan ng chartered o commercial flights.
Libre ang repatriation assistance sa ilalim ng ating batas.