May available na exemption sa Civil Service Exam for honor students!
Sa ilalim ng PD 907 (Granting Civil Service Eligibility to College Honor Graduates),
Pwedeng mag-apply para sa Honor Graduate Elegibility (o HGE) ang college graduates na nagtapos na Summa Cum Laude, Magna Cum Laude, o Cum Laude sa kanilang baccalaureate o bachelor’s degree.
Kung may HGE- hindi na kailangan pang mag-take ng CSC Career Service Exam.
Ang basehan ng polisiya- mabuting qualifying mark ang pagiging honor student para sa merit at excellence requirement ng public employment.
At ayon sa CSC- excited silang makatrabaho ang magagaling na graduates natin.
Ang application sa HGE ay ginagawa sa CSC Regional o Field Office sa inyong lugar, at ang requirements ay makikita sa link na ito:
https://csc.gov.ph/special-eligibilities/honor-graduate-eligibility
Kailangan talaga natin ng maaayos at magagaling na public servants sa gobyerno- at sana’y maraming ma-encourage na studyante at graduates dito.