Sa korte, may tinatawag na action to establish filiation. Ito ang kaso para kilalanin ng ama ang anak nito. Dito, ang mga ebidensyang tinatanggap para patunayan na siya talaga ang ama ay mga sumusunod:
Detalye sa record of birth (o birth certificate); at
Pag-amin ng tatay sa isang public document o private handwritten instrument na pirmado niya.
Ibig sabihin- kung sa mga dokumentong pirmado ng tatay ay umamin na siya- pruweba na ‘yan!
Kung wala naman nito, ebidensya rin ang:
Bukas, publiko, at tuloy-tuloy na pagtrato sa bata bilang anak; o
Iba pang paraang pinapayagan ng Rules of Court.
Tinatanggap rin ang salaysay ng mga witness na nakakitang dati niya talagang tinuring na anak ang bata.
Dagdag pa- sa recent decisions ng Supreme Court, tanggap na ang makabagong science and technology, gaya ng DNA testing.