Sa isang recent decision ng Supreme Court (Lanuza v. Lanuza, G.R. No. 242362, April 17, 2024)-
Sinabi na ang walang-katwirang pag-abandona sa ilang dekada, ay indikasyon ng psychological incapacity.
At ang psychological incapacity na nagreresulta sa kawalan ng kapasidad gampanan ang obligasyong mag-asawa, sapat na basehan para ipawalang-bisa ang kasal.
Sa Family Code kasi, ito ang obligasyon ng mag-asawa sa isa’t isa:
“Art. 68. The husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support.”
Ayon sa kaso- kung dati nang may issue ang asawa, iniwan ang pamilya sa matagal na panahon, nakipag-relasyon sa iba, at ‘di nagbigay ng suporta sa anak- malinaw na may psychological incapacity.
At ang kasal ay pwedeng ipawalang-bisa.
Dapat protektahan ang kasal. Oero kung walang kakayanan ang asawang gampanan ang mga obligasyon- may sagot sa batas.