Pwede ‘yang ituring na krimen ng Obstruction of Justice sa ilalim ng Presidential Decree 1829.
Sa P.D. 1829- may parusa sa sinumang sadyang humahadlang na maaresto ang suspect o pumipigil na magpatuloy ang kasong kriminal laban sa kanya.
Kasama sa ipinagbabawal, ang pagbibigay ng hiding place o iba pang paraan para makatakas ang suspect, basta malinaw ang intensyon at may hayagang kilos na tulungan itong iwasan ang kaso:
- harboring, concealing, or facilitating the escape of a suspect to prevent arrest, prosecution and conviction;
- preventing witnesses from testifying;
- destroying, suppressing or concealing documentary evidence;
- obstructing the service of court orders;
- giving false information to mislead or prevent law enforcement agencies from apprehending offender
Sa madaling salita, kung may krimeng ginawa ang kaibigan mo, at tinulungan mo siyang takbuhan ang pananagutan dito-
Sa batas na ito ay kriminal ka na rin.