Paalala para sa mga kapwa kong motorista: Bawal munang kumpiskahin ang lisensya mo pag nahuli ka sa kalsada. Pero may catch. Let me explain!
Sa bagong kautusan ng Department of Transportation (flash only: DOTr Memorandum Circular No. 2026-001), ipinag-utos sa LTO na i-suspend muna ang pagkumpiska ng driver’s license ng mga violator habang inaayos ang sistema ng traffic enforcement.
Ang ibig sabihin nito—
Walang abalang pagkuha ng temporary license
Walang hassle sa pag-claim ng lisensya sa LTO
Mas mahabang oras para ayusin ang kaso: 15 working days, hindi calendar days .
But wait, hindi ibig sabihin nito na lusot ka na!
Kahit hindi kukunin ang lisensya mo, i-fa-flag pa rin ito. At kung hindi mo maaayos ang kaso sa loob ng 15 working days — automatic suspension or revocation na agad!
Hindi lang lisensya ang mawawala sayo, pati karapatan mong magmaneho.