Nakatanggap ka na ba ng sunod-sunod na text na puro mura… pananakot… o pambabastos?
Tapos ang sabi ng nag-text: “Pasensya na… lasing lang ako noon.”
O kaya:
“Nasaktan lang ako… kaya ko nasabi ‘yun.”
Alam niyo ba na ayon sa Supreme Court, hindi ‘yan tinatanggap na depensa?
Sa isang kaso, isang lalaki ang nahatulang guilty sa VAWC sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
Bakit? Dahil pinadalhan niya ng sunod-sunod na abusive text messages ang kanyang dating partner.
Pero ang depensa niya sa korte: Lasing daw siya. At emosyonal dahil sa break-up.
Tinanggap ba ‘yan ng Supreme Court? Hindi.
Sabi ng Korte Suprema: Ang pagiging lasing o pagiging brokenhearted, hindi lisensya para manakit ng kapwa. Hindi rin excuse ang “emotional distress.”
Ang tinitignan ng batas ay hindi ang dahilan mo—kundi ang epekto sa biktima.
Kung ang text mo ay nagdulot ng takot, harassment, o psychological violence, pwede kang managot sa batas.
Kaya bago mag-send ng drunk text, mag-isip muna.