Mahigpit na pinapatupad ang No Collection Policy sa enrollment in public elementary and secondary schools.
Base ito sa DepEd Department Order No. 19, s. 2018, na paulit-ulit pinapaalala ng DepEd.
At ang membership fees sa Boy o Girl Scouts, Red Cross, PTA, School Publication, pati na ang contributions para pagandahin ang eskwelahan-
Dapat voluntary at kusang-loob lang ginagawa.
Kailanman, ang pagtangging bayaran ang mga ito ay hindi pwedeng rason para tanggihan ang enrollment ng estudyante.
Kung pilitin kayong pagbayarin ng kung anu-anong fees sa enrollment- pwede itong ireklamo sa Division, Regional, o Central Office ng DepEd, na makikita dito:
DepEd Division and Regional Office Directory:
https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
DepEd Central Office Directory:
https://www.deped.gov.ph/contact-us/directory/