Good news! ‘Di kailangan ng abogado at mahabang kaso para pabayarin ang delinkwenteng kliyente!
Ito’y sa pamamagitan ng Small Claims Cases.
Ang Small Claims Case ay pinabilis at pinasimpleng proseso para maningil ng sum of money, base sa kasunduan. Kasama sa claims na pasok dito ay:
- a) Contract of Services (gaya ng freelance contracts)
- b) Contract of Lease
- c) Contract of Loan
- d) Contract of Sale
- e) Contract of Mortgage
Basta ang halaga ay ‘di lagpas One Million Pesos (P1,000,000.00), pasok sa Small Claims!
Paano mag-file? Magfill-up lang ng Statement of Claim, na ang form ay makikita dito: https://oca.judiciary.gov.ph/small-claims/, magsama ng ebidensya, at bayaran ang filing fees.
Saan ifi-file? Sa first level courts kung saan kayo, o ang sinisingil ay nakatira. Depende sa lugar, ang tawag ay:
- a) Metropolitan Trial Courts
- b) Municipal Trial Courts in Cities
- c) Municipal Trial Courts
- d) Municipal Circuit Trial Courts
Para naman makita ang courts near you, gamitin ang court locator dito: https://sc.judiciary.gov.ph/court-locator/
Kaya niyo ‘to gawin on your own, at in fact- bawal dito ang abogado!
Pag-file ng Small Claims Case at makitang may basehan ito, within 24 hours ay papasagutin ng korte ang kabilang party- at magpapatawag ng hearing.
Pagkatapos ng hearing- within 24 hours rin ay dapat may hatol na!!
O ‘di ba, ang bilis sa Small Claims Cases!
Paalala lang- kung nakatira sa parehong city o municipality, in general ay kailangang idaan muna sa barangay ang dispute.
At kahit hindi kailangan ng written contract, syempre mapapadali kung meron at mas mabuting laging may kontrata ang freelance work!