Ang “Cha-Cha” ay pinaikling tawag sa “Charter Change,” o Pagbabago ng ating 1987 Constitution.
Paano ginagawa ang Charter Change?
Puwedeng baguhin ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Assembly (tinatawag na “CON-ASS”), o Constitutional Convention (tinatawag na “CON-CON”) .
Sa CON-ASS: Kongreso ang mismong magtitipon para mag-propose ng pagbabago sa Constitution. Ibig sabihin- mga Senador at Congressmen at women ang mismong gagawa ng proposal.
Sa CON-CON naman: Pipili tayo ng representatives o delegates mula sa taumbayan, na siyang bubuo ng grupo at magpo-propose ng babaguhin sa Constitution.
Kasama sa Con-Con ang kinatawan ng iba’t-ibang sektor ng lipunan- gaya ng academe, economists, business, labor, urban poor, farmers and fisherfolk, at indigenous peoples.
Sa parehong CON-ASS at CON-CON, pagkatapos gumawa ng proposal ay magkakaroon ng national plebiscite, kung saan pagbobotohan ng taumbayan kung sang-ayon ba tayo sa mga gusto nilang baguhin sa Constitution.
Napakahalagan alamin at maki-lahok sa diskusyon ng Cha-Cha.
Ang 1987 Constitution ang pinakamataas na batas, at siyang basehan ng mga pinakaimportanteng karapatan at kalayaang meron tayo ngayon.
Sigurado: ang anumang pagbabago ay makaka-apekto sa buhay natin.
Ginawa ang 1987 Constitution para labanan ang karahasan, pagsasamantala, at pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan. Ayon nga sa Supreme Court:
“[The 1987 Constitution’s] entire matrix is designed to protect human rights and to prevent authoritarianism.”