Ang VAWC ay ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act (R.A. 9262) .
Sa batas na ito, pinaparusahan ang physical, sexual, at psychological violence na ginagawa laban sa mga babae o mga batang anak nito.
Naipasa ito noong 2004, at mula noon — ang pagkakaintindi ay kalaguyo lang ng babae ang pwedeng kasuhan ng VAWC.
Sa batas, yung kalaguyo ng babae lang ang pwedeng ituring na offender o salarin ng VAWC, dahil ang mga biktima nga sa batas ay iyong babae at anak nito.
Ang tanong ngayon: Puwede bang kasuhan ng VAWC ang mismong nanay ng bata, dahil kasama rin naman sa biktima ang bata?
Ayon sa isang recent na desisyon ng ng Supreme Court- oo.
Pwedeng ituring na salarin ng VAWC ang nanay na umaabuso sa anak, at pwedeng magkaso ang tatay para protektahan ang bata.
Ang paliwanag ng korte:
Totoo — hindi kasama ang tatay sa biktima ng VAWC.
Pero, kasama sa biktima ng Violence Against Women and Children ang bata.
At bilang magulang, may karapatan ang tatay na mag-file ng kaso para sa VAWC on behalf o sa ngalan ng batang anak.
Sa batas, ang may sala sa VAWC ay pwedeng mismong nanay ng bata.
Kaya pwede kang mag-file ng kaso sa ilalim ng batas na ito, on behalf of a minor child.
Malaking pagbabago ito sa interpretasyon ng batas, at sana ay magamit ito sa tamang paraan.
Sana magamit ang desisyong ito para sa proteksyon ng mga batang nangangailangan, at hindi para- mang-harass ng mga nanay.