Walang katwiran ang bayolenteng road rage! Imbis na magpadala sa init ng ulo, alamin kung anong mga kaso ang maaari mong harapin.
Kapag nagbanta ka ng karahasan, pwede ka nang kasuhan ng Grave Threats sa ilalim ng Revised Penal Code.
Kung nagpaputok ka pa ng baril? Pwedeng Alarms and Scandals o Discharge of Firearm.
At kung may natamaan, depende sa nangyari, maaari pa itong umabot sa Homicide o Murder.
At kung iniisip mo na pwedeng depensa ang self-defense. Tandaan:
- Sa self-defense, dapat present ang tatlong elemento:
- Una, dapat may malinaw na atake laban sa’yo.
- Pangalawa, ang depensa mo ay katumbas lang ng banta.
- Pangatlo, hindi ikaw ang nanguna.
Kaya kung ‘di naman armado ang kaaway at wala ring pisikal na banta sa’yo—walang depensa ang paggamit ng karahasan.