Ang daming scam texts! Paano ba natin malalabanan ’to?
Unang-una — huwag na huwag kang sasagot o magbibigay ng anumang impormasyon.
Lalo na ang OTP o One-Time PIN.
Pero huwag ka ring mananahimik. Kapag hindi natin nireport — tuloy lang sila sa panloloko ng iba.
Ano ang dapat gawin?
Step 1: I-save ang ebidensya.
Screenshot ng text.
Ang number, oras at petsa.
Step 2: I-report agad sa telecom provider mo.
Globe
globe.com.ph/stop-spam
Smart
smart.com.ph/huliscam
DITO
Hotline 185 (for DITO numbers)
report.fraud@dito.ph
Pwede nilang i-block ang number at i-forward ito sa NTC.
At tandaan — kapag mas maraming nagre-report, mas mabilis itong maaaksyunan.
Paano naman kung nabiktima ka na?
Pwede kang mag-report sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center via Facebook o sa hotline 1326.
Krimen ang online scams — may parusang pagkakakulong at multa.
Kaya sa mga scammer diyan — may araw rin kayo.