Sa Article 155 ng Revised Penal Code, pinaparusahan bilang krimen ang alarms and scandals.
Ayon dito, maaaring parusahan ng pagkakakulong mula 1 to 30 days o multa hanggang P40,000 ang sinumang taong gagawa ng sumusunod:
- Sa public place, magpapaputok ng baril o iba pang explosives to cause alarm or danger;
- Magsisimula o makikibahagi sa charivari o iba pang magulong pagtitipon na nakakapinsala sa kapayapaang publiko;
- Babasag ng katahimikan sa gabi; o
- Lasing man o hindi, magdudulot ng anumang disturbance o scandal in public places.
Bukod d’yan, pwede rin itong ituring na unjust vexation sa ilalim ng Article 287 ng Revised Penal Code. Malawak ang saklaw ng krimeng ito at kasama ang anumang gawain nagdadala ng ngitngit, hapis, o pighati sa iba.
Habang may mga kasong pwedeng angkop. siguro ang pinaka-okey ay subukan munang kausapin siya nang maayos, para subukang magkaroon ng pagkakaintindihan at resolusyon.
Pero kung gusto talagang manadya- ito ang mga karapatan mo.