Nag-overtime pero ayaw bayaran ang OT pay?
Pwedeng pumunta at mag-reklamo sa Department of Labor and Employment — o DOLE — Regional/Field Office sa lugar ng inyong trabaho.
Ang detalye ng DOLE Regional at Field Offices ay makikita sa directory na ito:
https://www.dole.gov.ph/key-officials
Para sa reklamo, mainam ihanda ang relevant documents kagaya ng time sheet, payslips, memo, o iba pang communication mula sa employer.
Bukod d’yan, pwede ring mag-submit ng Request for Assistance online sa E-SEnA sa link na ito:
I-click lang ang submit request, at i-fill out ang detalye.
Sa SeNA- tutulong ang DOLE na pagharapin ang employer at employee, at humanap ng rosulsyon sa reklamo.
Para sa karagdagang tulong, i-contact lang ang DOLE Hotline 1349.
Pwede ring tumawag sa number na ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 am to 5:00 pm,: 0961-595-8439 o mag e-mail dito kasama ang pangalan, address, contact number, at detalye ng reklamo hotline1349@dole.gov.ph.