Sa mga government employee na apektado ng bagyo, entitled kayo sa 5-day Special Emergency Leave!
Paalala ito ng Civil Service Commission (CSC Memorandum Circular Nos. 2 and 16, series of 2012) sa lahat ng government agency na sa dapat bigyan ng limang araw na leave ang government employees na direktang apektado ng natural calamity o disaster.
Ang 5 days leave- pwedeng gamitin ng diretso o ng iba-ibang araw at intended itong tumugon sa mga pangangaliangan ng empleyado sa panahon ng sakuna.
Kasama d’yan ang urgent repair at clean-up ng bahay, pagiging stranded, pagkakaroon ng sakit, o pag-aalaga sa pamilya.
Pwede itong i-avail within 30 days ng natural calamity o disaster, base sa deklarasyon na may emergency galing sa Presidente o lokal na sanggunian, o ng mismong head ng agency sa apektadong lugar.
Sana’y makatulong ito sa apektado ng bagyo, at sana’y tutukan ng gobyerno ang paulit-ulit na panganib na dala ng matinding pag-ulan.