Sa Revised Penal Code, itinuturing na justifying circumstance ang self-defense.
Ibig sabihin, kahit nagdulot ka ng injury ay pwedeng walang parusa- kung nangyari ito dahil pinoprotektahan mo lang naman ang sarili mo.
Para maging applicable ang self-defense, kailangan patunayan ang requisites na ito:
Una, Unlawful aggression. Inatake ka, at may aktwal o immediate danger sa iyong buhay o kaligtasan.
Pangalalwa, Reasonable necessity of means. Ang ginawa mo bilang depensa ay proportional o kasukat sa kanyang ginawang atake.
At pangatlo, Lack of sufficient provocation on your part. Talagang nauna ka namang atakihin, at wala kang ginawa para i-antagonize ang tao o udyukan ang atake.
Pero tandaan – sa pag-invoke ng self-defense para mapawalang-sala, ibig sabihin ay inaamin mo rin na ikaw nga ang sanhi ng injury.
At kailangan ng clear and convincing evidence — malinaw at kapani-paniwalang ebidensya — na kumpleto ang requisites, para hindi ka maging liable.