Sa R.A. 7309, binibigyang danyos ang sinumang kinulong nang wala namang basehan.
Ang danyos- P1,000 hanggang P10,000 sa bawat buwang nakakulong,.
Pwedeng mag-file ng claim ang sinumang inakusahan, sinentensyahan at iprineso, pero sa kalaunan ay pinawalang-sala at in-acquit;
Kasama rin dito yung mga dinetain nang walang katwiran o legal na basehan.
Pwedeng mag-file ng claim sa Board of Claims ng Department of Justice sa Padre Faura Street, Ermita, Manila.
Pwede ring magpatulong sa mga opisina ng Commission on Human Rights na tumutulong sa DOJ sa claims na ito.
Sa ngayon, may mga panukalang batas para pataasin ang compensation hanggang P300,000, at suportado ito ng DOJ at CHR.
Sang-ayon rin ako dito, para mas maiwasan ang mga abuso. Dapat parusahan ang may sala at protektahan ang mga inosente.