Sa mga vlogger na content ang mang-istorbo, manggulo, o mamwermisyo ng kapwa-tao- Hindi ka ‘edgy.’
Sakit ka sa ulo at pwede ka pang kasuhan!
Ang mga prank ng fake emergency o pagnanakaw, pag-eeskandalo, o harassment sa mga mall o kalsada- Pwedeng ituring na krimen ng Alarms and Scandals sa Article 155 ng Revised Penal Code. Dito- pinaparusahan ang sinumang nagdudulot ng disturbance o scandals in public places.
Ang sadyang pang-aabala sa ibang tao para mainis, magalit, o ma-irita sila, at walang ibang rason para gawin- pasok rin ‘sa krimen ng Unjust Vexation sa Article 287 ng Revised Penal Code.
May karampatang mga parusa ng multa o pagkukulong para sa mga ‘yan.
Tandaan- Hindi porket maraming views at likes online ay may kapangyarihan ka nang lumabag sa batas.
Kung ang ‘influence’ mo ay dahil sa pang-hahassle ng iba o paninira ng kapayapaan-
Darating ang panahon na malalaman mo ang tunay na ‘influence’ ng batas. Baka ang susunod mong viral moment ay sa korte na.