Valid naman na bigyan ng warning ang publiko para makaiwas sa panloloko gamit ang pangalan ng kumpanya.
Pero dapat- ang detalyeng ilalabas ay yung kailangan lang para d’yan.
Ayon sa National Privacy Commission o “NPC na taga-implement Data Privacy Act (flash only: (R.A. 10173), pwede lang ang mga ganyan post kung klaro ang pakay, kailangan ang lahat ng impormasyong ilalabas, at hindi abusado sa karapatan ng dating empleyado.
Sa madaling salita, sapat na daw sabihin: (1) ang kanyang pangalan; at (2) na hindi na siya konektado sa kumpanya.
at kung meron pang ibang personal details o information ang ikakalat- pwede na ‘yang ituring na violation ng batas.
Sa mga violation ng Data Privacy Act, pwedeng i-contact ang NPC dito:
National Privacy Commission
https://privacy.gov.ph/contact-us/
8234-2228 Local 114/115
09055061478 (Globe)
09708180555 (Smart)
complaints@privacy.gov.ph
Kahit tingin natin ay may lehitimong rason tayo- dapat lagi pa ring conscious at maingat sa data privacy ng iba.