Dati, sa batas ay totoong kailangan ng desisyon ng korte para gawing pormal ang adoption.
Pero noong 2022 –naipasa ang Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act o Republic Act No. 11642.
Dito, kinikilala na ang bawat bata ay kailangan ng aruga at kalinga, at sa halip na pagsampa ng kaso sa korte, pwede na ang administratibong proseso sa adoption.
In general, kailangan na ang taong balak mag-adopt ay:
- Filipino citizen at least twenty-five (25) years of age;
- in possession of full civil capacity and legal rights;
- at least sixteen (16)-years older than the adoptee;
- of good moral character and can model the same;
- has not been convicted of any crime involving moral turpitude;
- emotionally and psychologically capable of caring for children; and
- and is in a position to support and care for his/her children in keeping with the means of the family.
Para simulan ang proseso ng adoption, pwede pong tumungo sa National Authority for Child Care o “NACC,” ang one-stop quasi-judicial agency na ginawa sa batas na ito.
Sa tulong ng NACC, magkakaroon ng Case Study para tignan ang kalagayan ng mag-aadopt at kung makabubuti ang adoption sa bata.
Magkakaroon rin ng “Supervised Trial Custody,” kung san susuriin ang magkasamang pamumuhay ng bagong pamilya.
Ang objective ng mga ito- siguraduhin ang kapakanan ng bata.
Pagkatapos, pwede nang mag-file ng Petition for Adoption sa Regional Alternative Child Care Office o “RACCO” sa ilalim ng NACC.
Dapat itong i-file sa lokal na RACCO kung saan kayo nakatira.
Kung kumbinsido na ang NACC na nasa best interest of the child ang adoption, maglalabas ito ng Order of Adoption.
Dito, idinedeklarang sa mata ng batas, ay bata ay itinuturing nang lehitimong anak, at ang bagong pangalan niya.
Para magabayan sa administrative process ng adoption, pwedeng i-contact ang NACC sa details na ito:
National Authority for Child Care
E-mail: adoption@nacc.gov.ph
Website: http://www.nacc.gov.ph
Telephone: (632) 8721-9711
(632) 8726-4568
Cellphone No: (+63) 917-322-6222 (NACC)