Entitled sa 13th Month Pay ang lahat ng rank-and-file employee sa pribadong sektor, basta nakapag-trabaho nang at least one (1) month sa calendar year.
Ibig sabihin, ang labas sa sakop nito ay mga managerial employee, o yung mga may awtoridad na gumawa at mag-implement ng management policies, at ang mga nagtatrabaho sa gobyerno.
Ang amount ng 13th Month Pay- kabuuang halaga ng basic salary na nakuha sa isang taon, divided by 12.
Ibig sabihin, ang laki ng bonus na makukuha- depende rin sa kung gaano katagal ka nang nag-trabaho para sa employer ngayong taon.
Basta nakapag-render na ng isang buwan ang isang eligible employee- may aasahang ganitong bonus.