Warning sa mga Marites, kung dinadamay niyo sa tsismisan ang menor de edad- pwede yang ituring na child abuse!
Sa isang recent na desisyon ng Supreme Court, hinatulan na guilty ang isang Marites, for child abuse.
Ang biktimang 16 years old- gusto lang bumili ng barbecue. Pero pagdating sa barbecuehan- pinag-tsitsismisan pa.
Ang sinabi ng isang Marites- napakasasama!
“Ja, look at [her], is that the body of a virgin? She went to __ with her parents for her to have an abortion.”|||
Kwento ng isang witness — linakasan talaga ng Marites ang boses para marinig siya.
Ang biktima, lubos na naapektuhan, hanggang sa ayaw nang lumabas ng bahay.
Kinasuhan ang Marites, at sabi ng korte- OO. (point up) Child abuse ‘yan.
“child abuse, cruelty or exploitation or [being] responsible for other conditions prejudicial to the child’s development.”
Si Marites- sinadyang atakaihin ang character, reputasyon, at dignidad ng biktima, at i-expose siya sa panghuhusga.
Ang parusa- kulong at may danyos pa!