Ang general rule sa Article 445 ng Civil Code-
Ang may-ari ng lupa ang may karapatan sa anumang itatayo, itatanim, o ipupunla dito.
At dahil alam naman ng kapitbahay niyong sa inyo yung lupa- kayo ang may karapatan dito.
Sa Articles 449-452 ng Civil Code, ito pwede niyong gawin. May tatlong options kayo:
(1) Una, angkinin ang tinanim;
(2) Pangalawa, piliting ipatanggal ito para ibalik sa dati ang lupa; o
(3) Pangatlo, pilitin silang magbayad ng upa o bayaran ang halaga ng lupang ginamit.
Dagdag d’yan- pwede pang maningil danyos sa pinsalang nadulot sa inyo.