Sa mga vlogger na content ang mang-istorbo, manggulo, o mamwermisyo ng kapwa-tao- Hindi ka ‘edgy.’ Sakit ka sa ulo at pwede ka pang kasuhan! Ang mga prank ng fake emergency o pagnanakaw, pag-eeskandalo, o harassment sa mga mall o kalsada- Pwedeng ituring na krimen ng Alarms and Scandals sa Article 155 ng Revised Penal Code. […]
Privacy
Kuha ng CCTV, pwedeng gamitin sa kaso!
Ayon sa National Privacy Commission, responsibilidad ng mga business na may CCTV na magkaron ng policies sa operation ng CCTV systems. Kasama d’yan ang procedure para sa requests for access to CCTV footage, whether for viewing or obtaining a recording or copy. Ang mga nahagip ng CCTV, may karapatang mag-request ng access dito. At kung […]
Di pwedeng kunan ng mga healthcare vloggers ang kanilang mga pasyente!
Sa mga health care vloggerists d’yan- dapat laging priority ang karapatan at kapakanan ng mga pasyente! Let me explain! Sa Data Privacy Act o R.A. 10173 – bawal magsiwalat ng personal information kaugnay sa health o kalusugan ng isang indibidwal. May mga exceptions… consent, specific to the purpose prior to the processing;as provided for by […]
Mga patakaran sa paglabas ng warning tungkol sa dating empleyado
Valid naman na bigyan ng warning ang publiko para makaiwas sa panloloko gamit ang pangalan ng kumpanya. Pero dapat- ang detalyeng ilalabas ay yung kailangan lang para d’yan. Ayon sa National Privacy Commission o “NPC na taga-implement Data Privacy Act (flash only: (R.A. 10173), pwede lang ang mga ganyan post kung klaro ang pakay, kailangan […]
Mga kondisyon para mauwi ang showbiz chismis sa libel
Porke ba artista, puwede nang siraan nang walang pananagutan? Hindi po. Sa kasong libel pinaparusahan ang malisyosong paninira sa reputasyon ng isang tao kung ito ay inilathala o published, tulad ng artikulo sa dyaryo, post, at comment sa social media. Pag dating sa mga sikat na mga celeb, o mga public figure na pinag-uusapan ng […]
Proseso ng pag-retain ng cellphone number pag lumipat ng telco
Sa Mobile Number Portability Act o R.A. No. 11202, ang mobile postpaid o prepaid subscribers ay pwedeng lumipat ng network habang rineretain ang existing cellphone number. Pwede ring mag-switch from postpaid to prepaid with the same number. Ang layunin ng batas- maging malaya ang mga subscribers na pumili ng network na pinaka-okey para sa kanila, […]
Pag-post ng larawan ng ibang tao na kuha sa pampublikong lugar, may kaso
Hindi porke’t nasa public place, pede nang mag-practice ng freelance photography at mag-post ng pictures ng ibang tao online! Ayon sa National Privacy Commission o “NPC”, “[A} person’s data privacy rights to not cease even when one is in a public space.” Dahil dito- ang pagkuha ng candid pictures nang walang pasabi, at pag-post nito […]
Pagbalandra ng kumpanya sa mukha ng empleyado sa FB, maaaring paglabag sa batas
Sa Data Privacy Act, protektado ang personal information natin. Kasama sa tinatawag na personal information ang ating pangalan, litrato, address, contact number, atbp. datos na pwedeng gamitin para matukoy ang identidad natin. Sa batas, in general ay pwede lang gamitin o ipagkalat, ang personal information kung pumayag tayo, kung alinsunod ito sa isang batas, o […]
Mga posibleng pananagutan sa pag-post ng screenshot ng private convo
Puwedeng violation ‘yan ng Data Privacy Act (o R.A. 10173). Sa Data Privacy Act, sinisiguro na ‘ang personal information natin- magagamit lang ng iba kung may pahintulot tayo, o kung naayon ito sa batas. Sakop nito ang lahat ng info na magagamit para matukoy ang identity natin , gaya ng pangalan o picture. Ayon sa […]
Modus na phishing pinaliwanag
Phishing ang tawag sa maraming modus operandi para kunin ang inyong info (pangalan, username at passwords, bank account at credit card details, CVV code, PIN numbers, o OTPs), at magamit sa financial scam. Mukhang legit ang kausap at binigyan ng info- pero ‘yun pala, scammer at nakuhanan ka na ng pera! Napakarami nang modus sa […]