Kung pinag-initan ka ng boss mo, dinemote, binawasan ng benefits, o winithhold ang sahod — at dahil dito ay napilitang kang mag-resign o umalis na lang sa trabaho, pwede itong ituring na constructive dismissal na BAWAL SA BATAS.
Sa ganitong sitwasyon- may karapatang magsampa ng kaso for illegal dismissal.
Constructive dismissal ang pagpapakita ng “discrimination, insensibility or disdain” sa empleyado, at ang pagpuntirya ay yung tipong sinumang nasa posisyon nito- ‘di talaga kakayaning mag-stay.
Sa madaling salita- “Constructive dismissal is… dismissal in disguise.”
Kung mapatunayang guilty ang employer, entitled ang empleyado sa reinstatement, full backwages inclusive of allowances and other benefits, pati na danyos.
Para sa karagdagang impormasyon at tulong, pwedeng i-contact ang Department of Labor and Employment o DOLE:
DOLE Hotline 1349
https://nlrc.dole.gov.ph/WhereWeAre