Ang basic na prinsipyo- dapat makuha ng bawat empleyado ang buong sweldo, at dapat
malaya siyang gastusin ito ayon sa sariling pangangailangan at kagustuhan.
Kaya naman in general- pwede lang deduct-an ang sweldo kung pinapayagan ito ng isang
batas, o kung mismong empleyado ang pumayag at may written authorization para dito.
At sa Department of Labor and Employment (DOLE) Labor Advisory No. 11, series of
2014 1 – klinaro ng DOLE na itinuturing na unauthorized at illegal ang deductions para sa mga
sumusunod:
● Company uniforms
● Personal protective equipment (PPE)
● Training Fees
● Iba pang katulad na deductions
Bawal pong ibawas at kolektahin ang bayad mula sa sweldo ng empleyado.
Kung nilalabag ito ng employer, pwede itong ireklamo sa DOLE.
Makakakuha ng gabay sa DOLE Hotline: 1349 o sa lokal na DOLE office sa inyong lugar.
Ang sweldo ay pinaghirapan niyo, at hindi dapat bawasan nang walang basehan.
Sana nakatulong ito.