Pwedeng kasuhan ang employer na hindi naghuhulog ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG.
Sa SSS, may parusang multa hanggang P20,000.00, o pagkakakulong hanggang 12 years, o pareho.
Sa PhilHealth, multa hanggang P1,000 multiplied by the total number of employees at pagkakakulong hanggang 1 year.
Sa Pag-IBIG naman – multa hanggang two times ng hindi ni-remit, o pagkakakulong hanggang 6 years, o pareho.
Kung binawasan ang sweldo niyo- pero hindi naman hinulog ang deduction at sinarili lang- kasong estafa pa yan!
Pwede niyong i-report ang ganyang pabaya o abusadong employer sa local office ng SSS, PhilHealth, o Pag-IBIG sa inyong lugar.