Ayon sa Supreme Court, pagdating sa policies ng employer na naglilimita sa pagkasal ng dalawa nilang empleyado, pwede lang itong gawin kung may reasonable business necessity para rito.
Ibig sabihin, dapat ay totoong may katwiran at pangangailangan sa anumang prohibition, kaugnay ng maayos na pagpapatakbo ng negosyo.
Sa isang kaso- pinag-resign ng kumpanya ang isa sa dalawang empleyadong kinasal.
Sabi ng korte- bawal ito, dahil hindi niyo nga ma-explain kung bakit ayaw niyong ikasal sila!
Sa isa namang kaso, policy na bawal makipag-relasyon o ikasal sa mga empleyado ng competitor company.
Sabi naman ng korte- risonable ang policy na ito dahil sa pag-uusap ng mag-asawa, baka may mailabas sa mga sikreto ng magkalaban na kumpanya, na pwedeng magamit laban sa kabila.
Ang mga company policy- kailangan ng klarong basehan sa dinidikta.