Ang non-compete clause ay kasunduan sa pag-restrict ng activities ng empleyado, during or after employment. Ang layunin – iwasan ang pag-compete sa business ng employer.
Karaniwang nakasulat dito na for a number of years- bawal kang magtrabaho o ma-involve sa anumang activity, business or company engaged in the same business as your employer.
Sa batas, walang prohibition sa non-compete clauses.
Pero ayon sa Supreme Court- valid lang ito kung may reasonable limitations as to time, trade, and place.
“The restraint may not be unduly harsh or oppressive in curtailing the employee’s legitimate efforts to earn a livelihood and must be reasonable in light of sound public policy.” (G.R. No. 163269, April 19, 2006)
Supreme Court
Ibig sabihin, ang pagbabawal sa’yo- ‘di naman pwedeng forever, o sa lahat ng activity kahit walang koneksyon sa business ng employer, o sa lahat ng lugar.
Kung masyadong broad ang prohibition, pwede itong ipawalang-bisa ng korte. Pero depende sa bawat kaso.
Kaya mabuting intindihin ang kontrata bago pirmahan ito, para maka-iwas sa problema.