“Ignorance of the law excuses no one.” Hindi lang ito kasabihan. Ito ay batas ayon sa Article 3 ng Civil Code.
Ibig sabihin — hindi pwedeng gamiting rason na hindi mo alam ang batas, para makaiwas dito.
Sa Pilipinas- requirement na i-publish ang lahat ng batas, bago ito maging effective. At ang publication- considered na sapat para ipaalam sa publiko ang mga tuntunin na dapat sundin.
Basta published- kahit mo man nabasa- may conclusive presumption o ipinagpapalagay na alam ng lahat kung ang mga gawaing required o dapat iwasan, at ang mga parusa sa violations.
Sa unang dinig- parang unfair o napaka-strikto naman ng polisiyang ito.
PERO, base ito sa necessity o pangangailangan.
Isipin niyo- kung pwedeng depensa ang ignorance sa batas- e di lahat ng may masamang intensyon ay magpapatay-malisya na lang – at wala nang mapapasunod at mapaparusahan ang batas.
Halimbawa, ang employer na hindi nagbibigay ng tamang benefits o aminimum wage pwedeng sabihing hindi niya naman alam na required ito.
A illegal recruiter ng OFW na nangangako ng trabaho at nangongolekta ng fees- e wala naman palang lisensya- pwede lang sabihin hindi niya naman alam na bawal ‘yon.
Kaya kailangan talaga ang rule na ito para may rule of law sa maayos na administration of justice.
Sabay sa kaalaman sa karapatan natin, dapat alam rin natin ang ating mga obligasyon natin sa lipunan.