Pilipinas, it’s Pride Month. Kaya pag-usapan natin ang SOGIESC Equality Bill!
Sabi ng mga tutol, nakakabawas daw ito sa karapatan ng mga hindi-LGBTQIA+. Hindi po ito totoo! Let me explain!
Ang simpleng objective ng SOGIESC Equality Bill- respetuhin ang lahat ng tao, regardless of sexual orientation, gender identity or expression, and sex characteristics.
Ibig sabihin, bawal ang discrimination sa education, employment, at public services dahil lang sayong SOGIESC- LGBTQIA+ ka man o hindi. Di pwedeng tratuhin nang masahol o mas mababa sa iba, dahil lang naiiba.
At lahat naman tayo ay may karapatang mag-aral, magtrabaho, at mabuhay.
Kung nag-aapply ang SOGIESC Equality Bill sa lahat, bakit kaya may tutol dito?
Simple lang ang tanong dito… kung hindi ka tutol sa diskriminasyon, ibig ba sabihin ay sang-ayon ka dito?
Hindi mababawasan ang karapatan mo sa pag-respeto ng dignidad ng lahat ng tao – including the LGBTQIA+ community.
Sana maging bukas ang isip at puso natin.
Happy Pride Month to all members of the LGBTQIA+ community, at sa lahat nang may kaibigan at kapamilyang parte nito!