Sa reseta, dapat isulat ng doktor ang generic name ng gamot!
Utos ‘yan ng Generics Act as amended by the Cheaper Medicines Act (flash only: R.A. 9502).
Sabi ng batas:
“All medical, dental and veterinary practitioners, including private practitioners, shall write prescriptions using the generic name. The brand name may be included if so desired.”
… dapat ipaalam ang generic name, at optional lang isulat ang brand.
Kung hindi ito gawin- may parusa sa doktor at pwede pang ipa-suspende o ipa-kansela ang lisensya.
Responsibilidad naman ng mga botika na ipaalam ang lahat ng medicine brands na may parehong generic name, para malayang makapili ang bibili.
Ang generics- chini-check naman ng Food and Administration (FDA) bago aprubahan, para siguraduhing epektibo rin.