Ikinalulungkot naming sabihin na sa kasalukuyan, hindi ipinagbabawal ang pagkakaroon ng bonds sa employment contract na nagsasabing kung hindi magtagal sa nakasaad na panahon ang empleyado, kailangan itong magbayad ng liquidated damages sa employer.
Sa pangkalahatan, may kalayaan ang parties sa isang kontrata (sa employment contract, ang employer at employee) na magkasundo tungkol sa anumang stipulations, clauses, terms and conditions, maliban na lamang kung ito ay contrary to law, morals, good customs, public order, or public policy. Ang mga obligasyong nakasaad sa sinang-ayunang kontrata ay itinuturing na batas sa pagitan ng parties, at kailangan itong tuparin dahil kung hindi ay maaaring maging liable para sa damages o danyos ang partidong hindi tumupad sa kasunduan.
Kung sakaling umabot naman sa kaso sa korte ang matter na ito, maaari naman pong bawasan ng korte ang amount kung makita sa ebidensiyang ipepresenta ng dalawang panig na unfair o unconscionable o di-makatarungan ang amount ng damages na nabanggit. Sa ganitong sitwasyon, ang korte na ang magseset ng damages na babayaran ng employee kung mapatunayan na valid ang provision bagamat sobra ang amount.
Para sa mga tanong tungkol sa mga karapatan bilang empleyado, maaaring sumangguni sa 24/7 Hotline ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa numerong 1349. Maaari ring ma-contact ang mga lokal na DOLE office sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.