Alam mo ba? Kung wala kang budget para sa abogado — may tutulong sa’yo, libre!
May bagong patakaran ang Supreme Court — ang Unified Legal Aid Service o ULAS.
Dito, lahat ng mga abogado na covered ng batas ay required magbigay ng 60 hours na libreng legal aid kada tatlong taon para sa mga maralita.
Paano mag-avail?
- Maaari kayong lumapit sa mga abogado law firm, o sa:
- IBP (Integrated Bar of the Philippines)
- DOJ Action Center
- Legal aid clinic ng mga law school
At susuriin ng Covered Lawyer ang iyong personal na pangangailangan at kapasidad.
Kung pasok, libre ang
- counselling
- pagsulat ng legal documents
- representasyon sa hukuman
- at mga official fees at docket fees!
Ang batas ay para sa lahat — hindi lang sa may pera.