Senior booklet, kailangan pa ba para makakuha ng 20% discount?

@attycheldiokno

ALERT: SENIORS, di na kailangan ng booklet para mag-avail ng DISCOUNT sa GAMOT! Share this kay lolo at lola bilang regalo ngayong Grandparents’ Day! #LegalLifehack #medicine #discount #seniorcitizen

♬ original sound – Chel Diokno – Chel Diokno

Good news, mga kapwa kong seniors! Hindi na kailangan ng purchase booklet. Panoorin ito!

Ayon sa bagong patakaran ng FDA at DOH, hindi na kailangan bumili ng purchase booklet para makuha ang 20% senior discount sa gamot at medical devices

Ang kailangan? Valid ID lang na magpapatunay na Pilipino kayo at edad 60 pataas. Tulad ng mga ito:

  • Senior Citizens ID mula sa OSCA
  • Passport
  • Driver’s license
  • Voter’s ID
  • SSS o GSIS ID
  • PRC ID
  • Postal ID

Sakop nito ang lahat ng botika, at iba pa:

  • drugstores
  • pharmacies
  • pharmaceutical outlets
  • retail outlets ng non-prescription drugs
  • medical device retailers
  • optical shops

Kung may botika na tumanggi? Bawal ‘yan! May multa at posible pa silang makulong.

Pag-labag sa Expanded Senior Citizens Act (RA 9994)
1st offense: P50k–P100k multa + 6-24 buwan na kulong
2nd offense: P100k–P200k multa + 2-6 taon na kulong

Kaya wag magpa-uto kung hanapan ka ng booklet sa botika. Karapatan natin ang discount—ID lang, sapat na!

About Rep. Chel Diokno

Si Akbayan Partylist Representative Chel Diokno ay isang human rights lawyer, dating Chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG), at Founding Dean ng De La Salle College of Law.