Alam niyo ba, kahit wala kang Senior Citizen ID, pwede ka pa ring makakuha ng discount sa gamot, grocery, at iba pa!
Ayon sa Expanded Senior Citizens Act o RA 9994 — ang kailangan mo lang: Kahit anong government ID na nagpapakitang 60 years old and above kayo.
Tulad ng:
- National ID
- Passport
- Driver’s License
- PhilHealth ID
- UMID
- Postal ID
- Voter’s ID na may birthday
Kahit isa lang dito, sapat na.
Pero teka, paano kung valid naman ang ID mo, pero ayaw pa rin tanggapin ng tindahan o restaurant?
May laban ka.
Pwede mo silang ireklamo sa DTI
Department of Trade and Industry (DTI)
Consumer Care
consumercare.dti.gov.ph
consumercare@dti.gov.ph
-DTI (1-384)
o sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ng inyong LGU.
Maaring ma-multahan, masuspinde, o mapasara ang negosyo.