Sa ilalim ng bagong batas na Republic Act 11984 o ang “No Permit, No Exam Prohibition Act” —
Kahit hindi pa bayad ang tuition o ibang school fees, dapat pa ring makapag-exam ang estudyante.
Kasama sa sakop ng batas:
Lahat ng public at private schools sa:
- K to 12
- College
- technical-vocational courses na lagpas isang taon
Pero teka—may kondisyon.
Kailangan magpasa ang estudyante ng sertipikasyon mula sa DSWD o social welfare officer ng LGU na nagpapatunay na siya ay kabilang sa mga ‘disadvantaged’dahil sa sakuna, emergency, o ibang sapat na dahilan.
At may karapatan pa rin ang school. Puwede silang:
- Humingi ng promissory note
- I-hold ang school records
- Gumamit ng legal na paraan para maningil
Ngayon, panong mangyayari kung hindi sundin ng school ang batas?
May administrative sanctions mula sa DepEd, CHED, o TESDA .
Walang estudyanteng dapat mapag-iwanan dahil sa kahirapan.